Filipino Time


Kung magkakaroon ka ng walumpu’t anim na libo at apat na raang piso o P86,400 at kailangan mo itong ubusin sa loob ng isang araw, paano mo ito gugugulin?

Bibili ka ba ng mga paborito mong laruan, damit at sapatos? Gagamitin mo ba itong puhunan sa negosyo? Ibabalato mo ba sa mga mahal mo sa buhay? Maglalaan ka ba para sa mga nangangailangan?

Kung sana, ang oras ay gaya lang ng pera na napapansin mo kapag paubos na, tiyak na bawat isa sa atin ay magdadalawang isip na tumanga.

Ngunit ang P86,400 ay barya lang sa 86,400 segundo na ginagamit mo sa araw-araw. Dahil walang halaga ang bawat segundo. Ang sabi nga:

“If you want to know the value of one year, just ask a student who failed a course.  If you want to know the value of one month, ask a mother who gave birth to a premature baby.  If you want to know the value of one hour, ask the lovers waiting to meet.  If you want to know the value of one minute, ask the person who just missed the bus.  If you want to know the value of one second, ask the person who just escaped death in a car accident.  And if you want to know the value of one-hundredth of a second, ask the athlete who won a silver medal in the Olympics.”
Napakahalaga ng bawat sandali. Malingat ka lang, puwede ka nang masagasaan. Maidlip ka lang ng kaunti, pagdilat mo, tirik na ang araw. Kakabati mo lang sa kapitbahay niyo, bukas, makalawa, mababalitaan mong namaalam na siya. Kaya nga nakakalungkot na pinaninindigan natin ang katagang “Filipino time”.

Bakit wala pa si Mayor?
Bakit hindi pa nagsisimula ang palabas?
Bakit hindi ka pa umaalis?

As usual, Filipino time. Late. Delayed. Unpunctual.

At laging may domino effect. Apektado lahat tayo.

Nakakalungkot dahil nauubos ang oras natin dahil sa mga taong walang pagpapahalaga sa oras ng iba. Oras na walang katumbas. Hindi napapalitan. Hindi nababalikan.

Filipino time.

Mas nakakalungkot na idinikit pa natin sa ating lahi ang laging pagiging huli.

Ngunit hindi pa naman huli ang lahat. May oras pa para sundin natin ang ating relo.

O magpapa-late na naman tayo?

You Might Also Like

0 comments