Blue's Clues

Babae ka? May kaibigan kang lalake?!
Normal iyon.
Magiging malapit kayo sa isa’t isa?!
Normal pa rin kahit super duper mega close pa.
Mag-aalala siya para sa ‘yo na higit pa sa isang tunay na kapatid?!
Normal iyon. Close friend nga, di ba?
 Pagti-tripan mo siya pero ngingitian ka pa rin niya?!
Normal iyon. Magpasalamat ka na lang na hindi ka niya binigwasan.
Wala kayong dalang payong at umuulan kaya kamay na lang niya ang pantatakip sa ulo mo?!
Normal pa rin kahit parang joke lang ang ginagawa niya dahil nababasa ka pa rin.
May pupuntahan ka at hindi ka niya hahayaang mag-isa?!
Normal iyon. Ayaw mo nun? May manlilibre sa iyo ng pamasahe.
Puwede kang sumandig sa balikat niya kahit anong oras mo gustuhin?!
Oo, normal. Kaya nga may linyang “real friends will always be your crying shoulder”. Kahit hindi ka pa umiiyak, puwede rin.
Sesermunan ka niya tuwing may mali kang ginawa?!
Normal! Alangan namang i-congratulate ka pa niya. Tanga!
Pipisilin niya ang pisngi at ilong mo na para bang ikaw ang pinakanakakatuwang nilalang sa mundo?!
Normal iyon kaya huwag lalaki ang ulo mo. Mas cute ako sa ‘yo.
Kakausapin ka niya gabi-gabi hanggang magbukang-liwayway?!
Normal iyon… kahit hanggang tanghali pa ang pag-uusap niyo.
Humihingi siya ng tawad sa iyo kahit mataas ang pride niya?!
Normal, siyempre. Ganoon talaga pag true friend.
Gusto niyang siya ang sabihan mo ng mga problema?!
Normal iyon. What are friends are for, ika nga ng kanta.
Ayaw niyang lumayo ka sa kanya?
Normal. Friends nga kayo diba, bakit itataboy ka niya?
Nagagalit siya kapag may umargrabyado sa ‘yo?
Normal iyon, girl. Ano bang gusto mo? Magtatatalon siya sa tuwa?
Hahawakan niyang mahigpit ang kamay mo?!
Normal pa rin iyon. Magulat ka pag sa lalake siya nakipag-holding hands.


Maging ang pagtapat niya ng palad mo sa dibdib niya, normal din?!
Hindi ko alam. Marahil. Baka. Ewan.

Eh ang hayaan ka niyang yumakap sa kanya at pakinggan ang tibok ng puso niya?!

Idagdag pa ang patagalin niya ang pananatili mo sa tabi niya para makasama ka niya ng kahit ilang minuto pa?!

Paano naman ‘yung tipong ibinigay na niya sa ‘yo ang karapatang magdesisyon sa isang bagay tungkol sa buhay niya?!

Eh ‘yung ipagdamot ka niya sa iba, normal pa ba?!

Malay. Pero may isang bagay akong sigurado. Ang hindi normal sa sitwasyon ay ‘yung pagbibigay-malisya mo sa mga ipinapakita ng kaibigan mo.

Pero normal lang na ganoon ang gawin ng mga babaeng may lihim na pagtingin sa kaibigan niya. Normal na umasang may ibang kahulugan ang ginagawang kabutihan sa kanya ng isang lalake.

Eh malay mo naman, habang hawak niya ang kamay mo ay ibang babae ang nasa isip niya.
O tuwing pinipisil niya ang ilong mo ay pinagseselos niya lang ang talagang gusto niya.
Puwede ring ang ipinakita niya sa iyo ay bahagi lang ng pagiging maginoo niya.

Pero ano bang alam ko?
Ako ba si *ang ambisyosang tutut* na parang tanga sa tumblr niya?!

Pero malay mo rin, in lab na siya sa iyo.

Huwag kasing ako ang tanungin mo.



SIYA!

You Might Also Like

0 comments